Pasay LGU, nakatanggap ng ayuda mula sa DSWD

Nakatanggap ang lokal na pamahalaan ng Pasay ng tulong mula sa Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD-NCR).

Ayon sa Pasay City Public Information Office, 5,000 kahon ng pagkain ang ipinaabot na ayuda ng kagawaran para sa mga residente sa lungsod na apektado ng enhanced community quarantine.

Naglalaman ang bawat kahon ng bigas, canned gooda at kape

Makakatulong ito para maidagdag sa food packs na ipinamamahagi ng lokal na pamahalaan sa lungsod.

Samantala, 117 food packs ang naipamahagi ng Pasay LGU sa Barangay 50, araw ng Lunes (March 23).

Pinangunahan ito mismo ni Mayor Emi Calixto-Rubiano kasama si Brgy. Chairperson Remedios Pitasin.

Read more...