Halaga ng piso kontra dolyar, bumagsak

By Jan Escosio March 23, 2020 - 07:12 PM

Bumaba pa ang halaga ng piso kontra sa dolyar, araw ng Lunes (March 23).

Nagsara sa P51.33 ang halaga ng dolyar sa bansa bunsod na rin mga pangamba sa magiging epekto sa ekonomiya ng krisis na dala ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Nabatid na ito na ang pinakamababang naging halaga ng piso kontra sa dolyar sa loob ng limang buwan.

Noong nakaraang Biyernes (March 20), nagsara sa P50.97 ang halaga ng dolyar sa bansa.

Inasahan pa na makakabawi ang piso ngayong linggo dahil napaulat ang panibagong pagbaba ng presyo ng mga produktong-petrolyo.

TAGS: BUsiness, halaga ng piso kontra dolyar, Peso vs Dollar, BUsiness, halaga ng piso kontra dolyar, Peso vs Dollar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.