Inihayag ng PAGASA na mayroong low pressure area (LPA) na binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Sheilla Reyes na huli itong namataan sa layong 1,600 kilometers Silangan ng Mindanao.
Malabo naman aniyang lumakas ang sama ng panahon para maging isang tropical depression.
Sinabi pa nito na wala pang direktang epekto ang LPA sa anumang bahagi ng bansa.
Sa Huwebes o Biyernes, sinabi ni Reyes na posibleng magdulot ang trough ng LPA ng pag-ulan sa Silangang bahagi ng Mindanao partikular sa Caraga at Davao region.
Samantala, patuloy namang nakakaapekto ang Easterlies o hangin mula sa Pacific Ocean sa bansa.
Dahil dito, asahan pa ring makakaranas ng mainit at maalinsangang panahon sa malaking bahagi ng bansa.