Naka-imbento ng ‘gamot’ kontra COVID-19 hinuli

By Jan Escosio March 23, 2020 - 06:46 PM

Arestado ang isang imbentor pati ang kanyang anak dahil sa pagbebenta ng sinasabi nitong gamot para gumaling ang tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Nabatid na P7,500 ang inialok sa social media ni Ismael Aviso sa naimbento niyang gamot at isinumbong ito sa PNP-Anti Cybercrime Group (Calabarzon).

Ayon kay Police Col. Julius Suriben, ang namumuno sa grupo, natunton nila si Aviso na ipinagmalaki na may gamot siya kontra sa nakakamatay na sakit.

Sa pamamagitan ng social media, nakipagkasundo si Suriben kay Aviso na bibili ng iniaalok nitong gamot.

Nang makipagtagpo si Aviso at anak nitong si Ismael Jr. sa mga operatiba sa Navotas City, ipinasubok pa nito ang gamot na isang spray.

Sa tagpong ito, inaresto na ang mag-ama.

Nabatid na una nang nagpalabas ng babala ang Food and Drug Administration (FDA) laban kay Aviso dahil sa pag-aalok ng gamot kontra sa iba’t ibang sakit, kasama na ang dengue.

TAGS: COVID-19, gamot sa COVID-19, Ismael Aviso, PNP-ACG (Calabarzon), COVID-19, gamot sa COVID-19, Ismael Aviso, PNP-ACG (Calabarzon)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.