Pagawaan ng pekeng alcohol sa Tondo, Maynila sinalakay

Arestado ang isang negosyanteng Chinese national pati ang kanyang mga tauhan nang salakayin ang pagawaan ng pekeng alcohol sa Tondo, Maynila.

Inaresto si Robert Tiu Ten nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis-Maynila sa isang establismento sa Dayao street.

Unang inireklamo si Ten ng mga residente at opisyal ng Barangay 133 Zone 11 dahil sa pag-iimbak ng alcohol.

Nang madiskubre ang mga gamit at kemikal sa paggawa ng pekeng alcohol ay inaresto na ang negosyante kasama ang kanyang mga trabahador.

Sinabi naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Debold Sinas na dapat ay maging maingat ang publiko dahil sa sitwasyon kasunod ng COVID-19 ay may mga nagsamantala at maari silang mapahamak dahil sa mga pekeng produkto.

Read more...