Pagawaan ng pekeng alcohol sa Tondo, Maynila sinalakay

By Jan Escosio March 23, 2020 - 06:37 PM

Arestado ang isang negosyanteng Chinese national pati ang kanyang mga tauhan nang salakayin ang pagawaan ng pekeng alcohol sa Tondo, Maynila.

Inaresto si Robert Tiu Ten nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis-Maynila sa isang establismento sa Dayao street.

Unang inireklamo si Ten ng mga residente at opisyal ng Barangay 133 Zone 11 dahil sa pag-iimbak ng alcohol.

Nang madiskubre ang mga gamit at kemikal sa paggawa ng pekeng alcohol ay inaresto na ang negosyante kasama ang kanyang mga trabahador.

Sinabi naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Debold Sinas na dapat ay maging maingat ang publiko dahil sa sitwasyon kasunod ng COVID-19 ay may mga nagsamantala at maari silang mapahamak dahil sa mga pekeng produkto.

TAGS: NCRPO, NCRPO Director Debold Sinas, pagawaan ng pekeng alcohol sa Tondo, Robert Tiu Ten, NCRPO, NCRPO Director Debold Sinas, pagawaan ng pekeng alcohol sa Tondo, Robert Tiu Ten

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.