Noong Sabado lamang, isang kapitan ng barangay San Carlos sa Cabiao, Nueva Ecija na si Rolando Bautista ang nasawi matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek.
Kasama niyang sakay ng kanilang sasakyan ang kaniyang asawang si Lydia, kaniyang bayaw at isang taong gulang na apo, nang bigla silang paulanan ng bala ng mga suspek.
Idineklarang dead on arrival si Bautista dahil sa dami ng tama ng bala sa katawan, habang sugatan naman si Lydia at ang kaniyang kapatid na parehong dinala sa ospital, habang maswerte namang hindi nasugatan ang batang kasama nila.
Samantala, sugatan naman si Bongao, Tawi-Tawi Mayor Jasper Que na miyembro ng Liberal Party, nang tambangan siya ng lalaking naka-motorsiklo sa Zamboanga City.
Ang mga insidente ay naitala sa kabila ng umiiral na election gun ban ng Commission on Elections (COMELEC) simula pa noong Enero.
Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Wilben Mayor, mula nang mag umpisa ang gun ban noong January 10, 2016, nasa 746 na indibidwal na ang nahuli dahil sa pagdala ng armas.
711 aniya mula sa bilang ay mga sibilyan; lima (5) ay police officers; labing isa (11) ay government officials; labing dalawa (12) ay security guards; lima (5) ay mga empleyado ng isang law enforcement agency; at dalawa (2) ay kapwa miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit.
Samantala, pinaalalahanan na ni Lt. Gen. Eduardo Año, commander ng Philippine Army, ang mga sundalo na maging alerto sa lahat ng oras laban sa anumang uri ng banta sa seguridad sa kasagsagan ng campaign period.