Bilang ng Filipino na apektado ng COVID-19 sa ibang bansa, nasa 153 – DFA
Mahigit 100 na ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang March 23, nasa 153 na oversease Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 23 bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 66 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ayon sa DFA, 86 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital habang isa ang nasawi.
Pinakamaraming naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Asia Pacific Region na may 106 na kaso.
Sumunod dito ang Middle East na may 17 kaso, Americas na may 16 at ang Europe na may 14 cases.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.