Chairman na nagkulong sa curfew violators, nag-sorry na
Humingi na ng paumanhin ang punong barangay sa Sta. Cruz, Laguna na ikinulong sa kulungan ng mga kaso ang nahuling lumalabag sa curfew.
Ito ang sinabi ni Interior Usec. Jonathan Malaya matapos nilang pansinin ang ginawa ni Punong Barangay Eric Ambrocio.
Magugunita na nag-viral sa social media ang larawan ng curfew violators habang nakakulong sa maliit na kulungan para sa mga aso sa Barangay Gatid.
Katuwiran ni Ambrocio, lasing ang mga lumabag sa curfew bukod pa sa pinagbantaan at pinagmumura umano ng mga ito ang mga opisyal ng barangay.
Tumanggi rin aniya ang mga ito na sundin ang pakiusap ng mga opisyal na umuwi na at sumunod sa curfew alinsunod sa umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.