PGH, kailangan ng blood donors sa gitna ng enhanced community quarantine

Nangangailangan ang Philippine General Hospital (PGH) ng mga blood donor sa gitna ng ipinatupad na enhanced community quarantine.

Sa inilabas na pahayag, humiling ang pagamutan sa mga residente ng National Capital Region (NCR) na tulungan silang ma-sustain ang blood supply para sa kanilang mga pasyente.

“Mobile blood drives have been suspended and the number of volunteer donors have sharply declined. However, the demand for blood remains constant,” pahayag pa ng PGH.

Tiniyak naman ng pagamutan na magpapatupad pa rin ng social distancing sa pagsasagawa ng blood donation.

Sinumang nais mag-donate, maaring magpa-book ng appointment sa PGH Blood Bank sa numerong 8554-8400 loc 3017.

Maaari ring tumawag sa mga sumusunod na numero:
Globe – 09057201890
Smart – 09474882817

Read more...