Patay sa lindol sa Taiwan, umabot na ng 32

By Kathleen Betina Aenlle February 08, 2016 - 04:46 AM

Taiwan lindolUmabot na sa 32 ang naitalang nasawi dahil sa pagguho ng mga gusali nang yanigin ng magnitude 6.4 na lindol ang Taiwan, ayon sa kanilang disaster response office ng Tainan City.

Dahil dito, nagkukumahog ang mga rescuers na mahanap ang iba pang mga survivors na posibleng na-trap pa rin sa ilan sa gumuhong mga gusali.

Ayon sa tagapagsalita ng kanilang pangulo na si Ma Wei Kuo, karamihan sa kanila ay nasa Weiguan Jinlong apatment building na isa sa mga gumuhong gusali.

Sa report ng Central News Agency (CNA), mahigit 500 na ang sugatan, at nasa 100 ang nasa ospital pa rin hanggang ngayon.

Dagdag pa sa ulat, hindi baba sa 120 na katao ang patuloy pa ring hinahanap ng mga rescuers.

TAGS: taiwan earthquake death toll, taiwan earthquake death toll

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.