Biñan, Laguna nakapagtala ng unang kaso ng COVID-19

Nakapagtala ng unang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Biñan, Laguna.

Ayon sa Biñan City Public Information Office, kinumpirma ito mismo ni Mayor Arman Dimaguila.

Ang unang kaso sa nasabing lugar ay isang 58-anyos na Filipino.

Residente ang pasyente sa bahagi ng Barangay San Francisco.

Samantala, sa huling tala ng Department of Health (DOH), nasa 396 na ang COVID-19 cases sa bansa.

Read more...