Overpriced mask trader, huli sa Facebook post

By Jan Escosio March 23, 2020 - 01:43 PM

Inquirer file photo

Naging daan ang Facebook para mahuli ang isang lalaki sa pagbebenta ng overpriced mask sa isang entrapment operation na ikinasa ng mga operatiba ng PNP-CIDG sa Tondo, Maynila.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10623 (Price Act) at Republic Act 7394 (Consumer Act) si Willy Sy.

Nakuha sa kanya ang 20 carton na naglalaman ng 60,000 piraso ng masks na nagkakahalaga ng higit P1.6 milyon.

Sa ulat, ikinasa ang operasyon ng CIDG – Anti-Transnational Crime Unit base sa impormasyon at reklamo ukol sa hoarding at overpriced masks.

Nakumpirma ang impormasyon sa pamamagitan ng Facebook post ni Sy na nag-alok ng P1,600 sa bawat kahon na may lamang 50 masks.

TAGS: Consumer Act, facebook, overpriced mask, PNP-CIDG, price act, Willy Sy, Consumer Act, facebook, overpriced mask, PNP-CIDG, price act, Willy Sy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.