WATCH: IATF sa mga pulitikong gumagamit sa posisyon para sa VIP testing sa COVID-19: “Walang lamangan, walang gulangan!”

By Chona Yu March 23, 2020 - 01:41 PM

“Walang lamangan, walang gulangan!”

Ito ang naging babala ni Inter-agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles sa mga pulitikong ginagamit ang posisyon para magkaroon ng VIP testing sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Ayon kay Nograles, malinaw ang polisiya ng task force na walang lamangan at walang gulangan pagdating aa COVID-19 test.

Dapat aniyang unahin ang mga pasyente na may sintomas ng naturang sakit.

Kabilang sa mga nababatikos dahil sa umano’y VIP test ay sina Senators Francis Tolentino, Richard Gordon at ang kanyang pamilya, Grace Poe, Pia Cayetano, Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta at asawang si Fernanda, Philippine National Police (PNP) chief Archie Gamboa at asawang si Rozanne, at dating first lady Imelda Marcos.

“In general, walang lamangan walang gulangan. Ito ay para sa lahat ng mga Filipino kaya may general guidelines,” pahayag ni Nograles.

Narito ang buong ulat ni Chona Yu:

TAGS: Cabinet Secretary Karlo Nograles, COVID-19, COVID-19 test, Inter-agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases, VIP test, Cabinet Secretary Karlo Nograles, COVID-19, COVID-19 test, Inter-agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases, VIP test

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.