Sa Laging handa briefing, sinabi ni Cabinet Secretary at IATF spokesman Karlo Alexi Nograles na walang patakaran na “no facemask, no entry” sa mga supermarket.
Ilan sa mga supermarket sa Metro Manila ang naglagay na ng paskil sa mga pintuan na hindi maaring makapasok ang walang suot na face mask.
Ayon kay Nograles, tanging ang social distancing lamang ang ipinag-uutos ng IATF.
“Wala naman kaming inilabas na patakaran mula sa Inter-Agency Task Force na kailangan magsuot ng mask bago pumasok sa mga supermarket. Ang patakaran, magkaroon ng social distancing sa mga supermarket ganun na lang ang sundin,” pahayag ni Nograles.
Nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Luzon hanggang sa April 12 kung saan mahigpit na ipinatutupad ang home quarantine o pananatili muna sa bahay para makaiwas sa COVID-19.