Malacañang, kinontra ang pangako ni Duterte na pagpapalaya kay Cong. GMA

By Kathleen Betina Aenlle February 08, 2016 - 04:44 AM

Duterte5Pumalag ang Malacañang sa sinabi ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na palalayain niya si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo oras na siya ang susunod na maluluklok na pinuno ng bansa.

Iginiit ni Presidential Communications Sec. Herminio Coloma na hindi ito basta maaring gawin at pakialaman ni Duterte alinsunod sa mga umiiral na batas sa bansa.

Ani Coloma, tanging ang mga korte lamang ang may hurisdiksyon at kapangyarihan para mag-desisyon sa estado ng sinumang akusado, pati na sa kaniyang petisyon na makapagpyansa.

Matatandaang noong Biyernes, ipinangako ni Duterte sa mga taga-San Fenando City sa Pampanga na kapag siya ang nahalal, palalayain na niya si Arroyo na isang kongresista sa lalawigan.

Giit ni Duterte, gagawin niya ito dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya laban kay Arroyo na inaresto dahil sa kasong plunder, kaugnay sa hinihinalang maling paggamit ng mahigit P365 milyong intelligence funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Dagdag pa ni Duterte, tulad ng ordinaryong mamamayan, may karapatan si Arroyo na magkaroon ng mabilis na paglilitis, dahil ang ilang beses na pagkabalam ng pagdinig ay sumasalamin rin sa delayed justice.

TAGS: Rodrigo Duterte, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.