DOH nagpaliwanag sa isyu ng umano’y pinababayaang PUIs sa COVID-19

By Ricky Brozas March 23, 2020 - 12:57 PM

Photo grab from DOH Facebook video
Nilinaw ni Health Undersecretary Dr. Maria Rosario Vergeire na hindi napapabayaan ang mga PUIs o person under investigation sa sakit na coronavirus disease o COVID-19.

Pinaliwanag ni Vergeire na nagkaroon lamang ng kakulangan o limitadong testing kung kaya hindi lahat ay nabigyang pansin.

Ngunit iginiit ni Vergeire na ngayon ay may sapat ng supplies at pinalawak na ang binibigyan ng serbisyo.

Nagpaliwanag din si Vergeire patungkol sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan na naisalang sa pagsusuri na aniya ay kuwalipikado o pumasok sa mga itinakdang criteria at ginawa aniya yan nuong panahong nagboluntaryo ang mga opisyal na nalantad sa kaso ng COVID-19 o kaya naman ay may travel history sa labas ng bansa.

“Meron pa rin naman na mga oficial na nagre-request pa rin na mag-test sila and pinagbibigyan namin na kuhanan sila ng specimen pero nakapila sila, ” sabi ni Vergeire.

Iginiit din ni Vergeire na hindi na pinahihintulutan ang mga opisyal na magpapasalang sa test upang wala na ring masabi ang mga mamamayan.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, doh, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, doh, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.