Isa pang Pinoy nagpositibo sa COVID-19 sa Hong Kong

Isa pang Filipino ang nagpositibo sa COVID-19 sa Hong Kong.

Ayon sa Philippine Consulate General Office sa Hong Kong, kinumpirma ng Hong Kong Health Department na kabilang ang isang Pinoy sa mga bago nilang kaso ng COVID-19.

Dahil dito tatlo na sa ngayon ang kaso ng COVID-19 sa Hong Kong.

Tiniyak ng konsulada na tinitiyak nilang naibibigay ang pangangailangan ng pasyente.

“We again call on the Filipino community to remain vigilant, practice good personal hygiene and exercise social distancing,” ayon sa konsulada.

 

 

Read more...