16 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH; kaso ng COVID-19 sa bansa umabot na sa 396
Umabot na sa 396 ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH) ito ay makaraang makapagtala ng 16 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa magdamag.
Mula sa 25 ay nadagdagan pa ang bilang ng nasawi at umakyat na sa 33.
Ayon kay Health spokesperson Ma. Rosario Vergeire, malaking bahagi ng 100,000 na test kits sa bansa ay dadalhin sa RITM dahil ito ang mayroong pinakamalaking laboratoryo.
Sinabi ni Vergeire na mayroong dalawa pang testing centers ang posibleng madagdag at ito ay sa Western Visayas Medical Center at sa Bicol Public Health Laboratory.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.