Special Powers na hinihiling ng Executive Department sa Kongreso para sa pangulo hindi aabusuhin
Tiniyak ni Executive Secretary Salvador Medialdea na hindi aabusuhin ang kanilang hinihiling na “special powers” sa Kongreso para kay Pangulong Rodrigo Duterte para masolusyunan ang krisis na hatid ng COVID-19.
Sa pagharap sa Committee of the Whole ng Kamara, sinabi ni Medialdea na mahalaga na maaprubahan ng Kongreso ang batas para maresolba ang krisis sa kinakatakutang sakit.
Papadaliin anya ang procurement process sa pagbili ng mga kinakailangang kagamitan.
Mas mapapabilis din aniya ang pagbibigay ng serbisyo sa mga apektado, at mapipigilan din ang pagkalat pa lalo ng nakakabahalang sakit na ito.
Mapapadali din nito ang pagbili sa mga mahahalagang kagamitan na kinakailangan sa ngayon ng mga health workers.
Binibigyan din ng kapangyarihan ng panukalang ito si Pangulong Rodrigo Duterte para i-reallocate ang pondo sa ilalim ng 2020 General Appropriations Act (GAA) para magamit sa COVID-19 response.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.