Take-over sa private institution ipinaliwanag ni ES Medialdea
Iginiit ni Executive Secretary Salvador Medialdea na standby power lamang ang hiling nila na magkaroon ng take-over sa mga private institutions.
Sa pagharap ni Medialdea sa Committee of the Whole ng Kamara sinabi nito na umani ng batikos at pagkaligalig sa publiko ang “take-over” na kanilang proposal.
Paliwanag nito, inamyendahan na nila ang kanilang hiling sa Kamara at nilinaw na gagawin lamang ang take-over sa mga private institutions kung ito ay kakailanganin.
Ang nasabi anyang kapangyarihan na nais ng pangulo ay hindi naman nangangahulugan na i-exercise sa bawat oras.
Kahapon, kumalat ang draft resolution ng Senado kung saan nagbibigay ng kapangyarihan sa pangulo na pansamantalang i-take-over ang privately-owned public utility o ang mga negosyong nakaka apekto sa public interest kabilang ang hotels, public transportation at telecommunications entities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.