SSS pension para sa buwan ng Abril matatanggap na simula ngayong araw

Maagang matatanggap ng pensioners ng SSS ang kanilang pensiyon para sa buwan ng Abril.

Ayon sa SSS dahil sa umiiral na enhanced community quarantine, nagpasya silang agahan ang pagbibigay ng pensiyon.

Nakipag-ugnayan na ang SSS sa kanilang partner-banks para maagang ipasok sa account ng pensioners ang kanilang pensiyon na para sa April 2020.

“Dahil hangad ng SSS ang kaligtasan at pinasyal na seguridad ng lahat ng mga pensyonado, hiniling ng SSS sa mga partner-banks nito ang maagang pagbibigay ng pensiyon para sa buwan ng Abril 2020,” ayon sa SSS.

Sinabi ng SSS na simula ngayong araw, March 23 ay matatanggap na ang pensiyon.

 

 

Read more...