SSS tiniyak na ipoproseso ang claims para sa loan ng kanilang mga miyembro

Tiniyak ng Social Security System (SSS) na maipoproeso nila ang ihahaing claim ng kanilang mga miyembro para sa loan.

Sa kabila ito ng umiiral na enhanced community quarantine at kawalan ng pasok sa trabaho sa gobyerno at pribadong kumpanya.

Ayon kay SSS Department Manager Fernan Nicolas, available ang kanilang online services at may nakamandong skeletal forces dito.

Maari pa ring mag-apply ng salary loan o calamity loan ang mga SSS member.

Maliban sa online ay maari ding isumite ang loan application sa drop box sa mga SSS branch.

Sinabi ni Nicolas na pinag-aaralan na din nila ang mas maagang magrerelease ng pensyon ng kanilang pensioners.

Sa inisiyal na plano ay ire-release ng maaga ang tatlong buwang pensyon.

 

 

Read more...