Umabot sa 299 na miyembro ang present sa sesyon kasama ang mga dumalo sa pamamagitan ng video conference.
Si House Speaker Alan Peter Cayetano naman ang magsilbing presiding officer.
Mahigpit namang sinunod sa sesyon ang observes social distancing protocols.
Sa pagsisimula ng sesyon ay binasa ang liham ni Pangulong Rodrigo Duterte na humihiling ng pagkakaroon ng special session.
Layon ng special session na mabigyan ng authority si Pangulong Duterte para mag-realign ng pondo sa hakbang ng pahalaan kontra sa paglaganap ng COVID-19.
Present din sa special session sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Senior Deputy Executive Secretary Michael Ong, DILG Sec. Eduardo Ano at Budget Secretary Wendell Avisado.
Kaugnay nito, pansamantalang iki-convert ang Kamara bilang Committee of the Whole upang hayaang magsalita ang mga inimbitahang resource person.