Publiko dapat maging tapat kapag nagpapasuri sa doktor – DOH
Muling umapela ang Department of Health (DOH) sa publiko na maging isang daang porsyentong tapat sa pagbibigay ng impormasyon kapag nagpapasuri sa manggagamot.
Ginawa ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire ang apela kasunod ng ulat na may mga health workers ang nagkakaroon ng COVID-19 matapos ma-expose sa pasyenteng mayroon pala nito.
Ayon kay Vergeire, lahat ng impormasyon lalo na ang mga travel history ay mahalagang i-disclose kapag nagpakonsulta sa manggagamot.
Ang travel history at exposure ang ilan sa mga inisyal na ginagawang batayan sa mga indibidwal na nakakaranas ng sintomas ng COVID-19.
Kung patuloy na mangyayari ito at dadami ang bilang ng health workers na mahahawa ay wala na aniyang matitira para mag alaga sa mga magkakasakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.