$1M na donasyon ipagkakaloob ng Resorts World para sa frontliners
Magbibigay ng 1 million US Dollars na donasyon ang Resorts World Philippines Cultural Heritage Foundation Inc. para sa mga frontliner at mahihirap na pamilyang labis na apektado ng paglaganap ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa pahayag ng Resorts World ang unang bahagi ng donasyon ay sisimulan na ipamigay ngayong linggo.
Magbibigay ng 240,000 na piraso ng medical supplies kabilang ang personal protective equipment units, N95 masks, medical masks, goggles, glovesm medical boot covers at thermal scanners sa mga public at government hospitals.
Mamamahagi din ng 30,000 packs ng groceries, na maaring makapagpakain ng 120,000 na atao sa mga underprivileged families sa Pasay City.
Ayon sa Resorts World mas marami pang donasyon ang ipamamahagi nila sa mga susunod na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.