Wala pang rapid test kit sa COVID-19 ayon sa FDA
Nagpaalala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko na wala pang COVID-19 point-of-care test kit o rapid test kit na aprubado ng ahensya.
Ang mga point-of-care test kit o rapid test kit ay nagbibigay ng agarang resulta sa loob lamang ng ilang minuto lamang gaya ng pregnancy test kits.
Ang mga naunang nailabas na listahan ng FDA na aprubadong COVID-19 test kits ay gumagamit ng Real Time Polymerase Chain Reaction (RT-PCR).
Ito ay proseso na nangangailangan ng PCR Machine sa laboratoryo at mga tauhang may sapat na kaalaman sa paggamit nito.
Ang Department of Health (DOH) ay naglabas din ng pahayag sa pamamagitan ng Department Circular No. 2020-0143 ukol sa COVID-19 laboratory testing na nagsasaad na wala pang malinaw na ebidensyang susuporta sa paggamit ng lateral flow rapid (IgG/IgM) test sa pagkumpirma ng COVID-19.
Ayon din sa DOH, tanging ang mga laboratoryo na nasuri ng Research Institute for Tropical Medicine (DOH-RITM) ang maaring magproseso ng mga RT-PCR based kits.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.