Emirates bibiyahe pa din sa ilang mga bansa kabilang ang Pilipinas

Sa kabila ng pasya ng pamahalaan ng United Arab Emirates na magsususpinde na ito ng biyahe ng eroplano patungo at palabas ng bansa, sinabi ng Emirates air na itutuloy nila ang ilang passenger at cargo flights nila.

Ito ay makaraang makatanggap sila ng request mula sa pamahalaan at iba pang biyahero para ituloy ang operasyon sa mga bansang may mataas pa ring demand ng pasahero.

Dahil dito, ayon sa Emirates mapapatuloy ang kanilang passenger at cargo flights sa sumusunod na mga bansa at teritoryo:

UK
Switzerland
Hong Kong
Thailand
Malaysia
Philippines
Japan
Singapore
Australia
South Africa
South Korea
USA
Canada

Ang mga pasahero ay pinayuhang i-check ang flight status sa Emirates.com.

Read more...