Tuloy ang operasyon ng paliparan at regional offices ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ayon sa CAAP ito ay sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon at local community quarantine na ipinatutupad ng mga lokal na pamahalaan sa iba pang bahagi ng bansa.
Pero ayon sa CAAP, limitado sa ngayon ang operasyon ng mga paliparan.
Tiniyak naman ng CAAP na tuloy ang passenger at cargo flights na pinapayagan sa ilalim ng ECQ.
“Pursuant to the restrictions placed by local issuances from LGUs, airport operations are currently limited. On its part, CAAP is actively coordinating with the LGUs and airlines to ensure that passenger and cargo flights allowed under the community quarantine guidelines will be unhampered,” ayon sa pahayag ng CAAP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.