UAE nagsuspinde na ng lahat ng flights

Sinuspinde na ang lahat ng biyahe ng eroplano mula at papuntang United Arab Emirates (UAE) dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa ulat ng state news agency na WAM ang desisyon ay mula sa National Emergency and Crisis at Civil Aviation Authority ng UAE.

Nakasaad din sa ulat na magiging epektibo ang flights suspension sa loob ng susunod na 48 oras.

Dalawang linggong tatagal ang suspensyon sa biyahe ng mga eroplano.

Pagkatapos ay isasailalim ito sa evaluation at review para malaman kung kailangan pang palawigin.

 

 

Read more...