Sen. Francis Tolentino humingi ng paumanhin sa pagbahagi ng larawan nang magpasuri sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo March 23, 2020 - 06:34 AM

Humingi ng paumanhin si Senator Francis Tolentino sa publiko matapos umani ng batikos ang ibinahagi niyang larawan na may caption na nag-negatibo siya sa COVID-19.

Ang nasabing post sa Facebook page ng senador ay inalis na.

Ayon kay Tolentino, kung nagpositibo man siya sa pagsusuri ay ibabahagi din niya ito sa publiko para malaman ng mga naging close contacts niya.

Nilinaw din ni Tolentino na habang siya ay naka home quarantine ay nakaranas siya ng ubo at sipon kaya siya nagpa-test.

Nag-trend sa Twitter ang #NoToVIPTesting dahil sa mga balitang maraming VIP ang nakapagpapa-test sa COVID-19 sa kabila ng kakulangan sa testing kits ng bansa.

 

 

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Francis Tolentino, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Francis Tolentino, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.