500 bahay tinupok ng apoy sa Bacoor

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Bacoor City.

Ayon sa Bacood City Disaster Risk Reduction and Management Office nagsimula ang sunog pasado alas 2:00 ng madaling araw sa Wawa Uno, Longos, Zapote 5.

Umabot sa 4th alarm ang sunog bago maideklarang under control alas 3:33 ng madaling araw.

Aabot sa 500 bahay ang natupok sa sunog at daan-daang pamilya ang nawalan ng tirahan.

Patuloy pa ang imbestigsyon sa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Read more...