Bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan ng 73; Mga naka-recover, nasa 17 na

By Angellic Jordan March 22, 2020 - 04:41 PM

Nadagdagan nang 73 ang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa bansa.

Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), nasa kabuuang 380 na ang confirmed COVID-19 cases sa Pilipinas.

Samantala, apat na pasyente pa ang naka-recover dahilan para umabot sa 17 ang bilang ng gumaling sa COVID-19.

Naka-recover ang patient number 14 o PH14 na isang 73-anyos na lalaking Filipino mula sa Quezon City.

Nakasalamuha nito ang isang COVID-19 positive patient.

Unang nakaramdam ng sintomas ang pasyente noong March 11 at nakumpirmang positibo sa COVID-19 noong March 16.

Sinabi ng DOH na na-discharge ang pasyente noong March 19 matapos maging asymtomatic at nagnegatibo sa pagsusuri.

Gumaling din ang PH22 na isang 51-anyos na babaeng Filipino, residente ng San Juan City.

Nagkaroon din ito ng exposure sa isang pasyente na positibo sa virus.

Nakitaan ng sintomas ang pasyente noong March 4 at nagpositibo sa COVID-19 noong March 9.

Na-discharge na rin ang pasyente noong March 18 matapos maging asymtomatic at nagnegatibo sa pagsusuri.

Negatibo na rin sa COVID-19 ang PH7 na isang 38-anyos na lalaking Taiwanese mula sa Makati City.

Wala itong travel history at nagkaroon ng exposure sa isang pasyente na positibo sa virus.

Nagkaroon ng sintomas ang pasyente simula March 3 at nagpositibo sa COVID-19 noong March 8.

Nakalabas naman na ng ospital ang pasyente noong March 21 matapos maging asymtomatic at nagnegatibo sa pagsusuri.

Naka-recover din ang PH51 na 26-anyos na lalaking Filipino sa Quezon City.

Unang nakaranas ng sintomas noong February 28 at nagpositibo sa COVID-19 noong March 11.

Na-discharge na ang pasyente noong March 16 matapos maging asymtomatic at nagnegatibo sa pagsusuri.

Dagdag ng DOH, anim na pasyente pa ang pumanaw dahilan para umabot sa 25 ang kabuuang bilang ng nasawi bunsod ng COVID-19 sa bansa.

Kabilang sa mga nasawi ang PH210, PH200, PH310, PH351, PH52 at PH226.

TAGS: COVID-19, doh, COVID-19, doh

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.