PCOO, inilunsad ang bagong web portal para sa update sa COVID-19

Photo grab from covid19.gov.ph

Inilunsad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang bagong web portal para sa mga update sa COVID-19.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni PCOO Bureau of Communications Services Director Princess Pebbles Duque, ang bagong web portal na covid19.gov.ph ay para makakuha ng totoong impormasyon ang publiko kaugnay sa COVID-19.

“First of all, ang layunin po ng website po ng COVID19.gov.ph ay dalawa. Una, ito ay magsisilbing information kung saan lahat ng information sa hakbang ng gobyerno ay nandito na and all access na ng ating mga kababayan dito sa website na ito,” pahayag ni Duque.

Nakalagay din sa web portal ang mga video ng public briefing ng Malakanyang, mga talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte pati na ang kampanya na ginagawa ng PCOO, Department of Health (DOH) at iba pang government news agency.

Ayon kay Duque, 24/7 na binabantayan ang web portal para hindi mabiktima ng mga hacker.

Read more...