Valenzuela City, nakapagtala na ng dalawang kaso ng COVID-19

Nadagdagan pa ng isang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City.

Ayon sa Valenzuela City Health Office, dalawa na ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Ang ikalawang pasyente ay isang 50-anyos na babae na nagtatrabaho sa Makati City.

Nagpakonsulta ang pasyente sa isang pribadong ospital sa labas ng Valenzuela City matapos makaranas ng sintomas at na-diagnose na may Bilateral Pneumonia.

Walang travel history ang pasyente sa labas ng bansa.

Bumuti naman na ang lagay nito at binigyan na ng go-signal para makalabas ng ospital.

Ngunit, kailangan pa ring ituloy ng pasyente ang home quarantine alinsunod sa guidelines ng Department of Health (DOH).

Nilinaw naman ng Valenzuela City government na walang community transmission sa lungsod.

“Just to clarify, there’s no community transmission yet in the city. Patient no. 1 and patient no. 2 are not related cases, both cases contracted COVID-19 outside Valenzuela City,” dagdag pa nito.

Kung nakakaranas ng sintomas, may travel history o nakasalamuha ang isang posibleng COVID-19 patient, maaaring tumawag sa Valenzuela City #COVID19 hotline na 8352-5000.

Read more...