Nadagdagan pa ng lima ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Quezon City.
Ayon sa QC government, batay sa datos ng QC Health Department Epidemiology and Disease Surveillance hanggang 9:00, Sabado ng gabi (March 21), nasa 49 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Nasa 30 naman ang persons under investigation (PUIs) habang 153 ang persons under monitoring (PUMs).
Samantala, sinabi pa nito na lima na ang pasyente sa lungsod na naka-recover sa nakakahawang sakit.
Tatlo naman ang residente ng Quezon City na nasawi bunsod ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.