Dibidendo ng PAGCOR noong 2019, gagamitin kontra COVID-19

By Chona Yu March 22, 2020 - 10:30 AM

Tiniyak ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na sapat ang pondo ng pamahalaan para matugunan ang problema sa COVID-19.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni PAGCOR chairperson Andrea Domingo na mayroon nang inilabas na pondo ang PAGCOR na P2.5 bilyong ayuda sa Department of Health (DOH).

Ilalabas na rin aniya ng PAGCOR sa March 24 ang P12 bilyong bayad sa pamahalaan para sa dividend ng PAGCOR sa taong 2019 base na rin sa hiling ni Finance Secreatry Sonny Dominguez.

Bukod dito, sinabi ni Domingo na nag-ambagan na rin ang malalaking hotel and casino sa bansa.

Halimbawa na lamang aniya ang City of Dreams na magdo-donate ng P50 milyong halaga ng food packs. Ang Resorts World na magdo-donate ng P50 milyong halaga ng equipment at supplies. Ang Okada Hotel naman ang bibili sa Philippine General Hospital ng tatlong testing machines at mga test kits at mga supplies na nagkakahalaga ng P50 milyon.

Ayon kay Domingo, maging ang kontrobersyal na Philippine Offshore Gaming Operator o POGO ay nagbigay ng P150 milyon; P90 milyon ay ibibili ng mga hospital and medical supplies; P60 milyon naman ang inilagay sa pagkain.

Ayon kay Domingo, asahan na sa susunod na linggo o dalawang linggo ay sapat ang pagkain ng mga naka-quarantine dahil sa COVID-19.

Naglaan na rin aniya ang PAGCOR ng P100 milyong pisong halaga ng food assistance.

“So by the middle of next week we will have enough food at least for the people who need it most for at least—I think for 2 to 3 weeks. PAGCOR itself has dedicated a P100 million for food assistance,” ani Domingo.

TAGS: COVID-19, pagcor, Pagcor Chairperson Andrea Domingo, COVID-19, pagcor, Pagcor Chairperson Andrea Domingo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.