PNP, nagbigay ng gloves at tubig sa mga pulis sa checkpoints
Nag-distribute ang Philippine National Police (PNP) ng 800 pares ng surgical rubberized gloves at 200 bottled water sa mga naka-deploy na pulis sa Quarantine Assistance Stations (QAS) sa Metro Manila, araw ng Sabado.
Ayon sa PNP Public Information Office, ipinamahagi ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG) ang suplay sa anim na quarantine stations.
Kabilabg dito ang minamanduhang checkpoint sa EDSA corner Guevarra, EDSA corner Boni Avenue, Aglipay Street corner New Panaderos sa Mandaluyong City, F. Manalo corner Blumentritt sa San Juan City, Kalentong corner Haig sa Mandaluyong City, at New Panaderos sa Sta. Ana, Manila.
Nag-disinfect din ang PCADG sa community quarantine stations gamit ang PCADG motorized backpack sprayer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.