Zamboanga City, COVID 19-free pa rin

Nananatiling COVID 19-free ang Zamboanga City.

Batay sa consolidated record ng Zamboanga City Health Office, nasa 28 ang persons under investigation (PUIs).

Sa nasabing bilang, lima rito ang cleared na o nag-negatibo sa nakakahawang sakit.

Samantala, naitala naman ang 527 na persons under monitoring (PUMs).

93 sa nasabing bilang ay cleared na matapos sumailalim sa 14 araw na home quarantine period.

Read more...