DOLE, ipinaalala ang “No work, No pay” policy para sa Chinese New Year

Year-of-the-Monkey-2016-712Ipinaalala ng Department of Labor and Employment ang “no work, no pay” policy para sa Chinese New Year bukas na idineklarang special non-working holiday ng Malakanyang.

Ayon kay Labor Sec. Rosalinda Baldoz, ipapatupad ang polisiya sa mga nagta-trabaho sa pribadong sektor na hindi papasok sa naturang araw.

Hinimok ni Baldoz ang mga employer ng private sector na sundin ang proper pay rules para sa Chinese New Year holiday.

Sa mga papasok sa trabaho bukas, madadagdagan ng 30 percent ang daily rate sa unang walong oras ng kanyang trabaho.

Kung sosobra sa walong oras ang kanyang trabaho o tinatawag na overtime work, madadagdagan ng 30 percent ang kanyang hourly rate sa naturang araw.

Sa mga empleyado naman na natapat ang rest day sa special non-working holiday ngunit papasok pa rin, madadagdagan ng 50 percent ng kanyang daily rate sa unang walong oras ng trabaho.

Kung lalagpas naman ito sa walong oras, madadagdagan ng 30 percent ang hourly rate nito sa naturang araw. /

 

Read more...