Ilang tindahan ng medical supplies sa Maynila, Rizal ni-raid ng NBI dahil sa overpricing
Ni-raid ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang tindahan ng medical supplies sa Maynila at Rizal dahil sa overpricing, araw ng Biyernes.
Pinangunahan ni NBI Director Eric Distor ang operasyon sa Sta. Cruz sa bahagi ng Rizal Avenue sa Maynila, katuwang ang mga operatiba ng NBI-Special Action Unit (NBI-SAU).
Nakumpiska sa operasyon ang 1,360 piraso ng thermal scanners at 7, 680 piraso ng face masks na nagkakahalaga ng mahigit P10 milyon.
Nag-ugat aniya ang operasyon mula sa nakuhang impormasyon na nagbebenta ang tindahan ng thermal scanners sa halagang P8,000 kada piraso.
Walong beses itong mas mahal sa normal na presyo na P1,000.
Naglagay din aniya ang tindahan ng signages na “OUT OF STOCK THERMAL SCANNER” at “OUT OF STOCK ANY KIND OF MASK”.
Ayon pa kay Distor, karamihan sa mga kahong nakuha na naglalaman ng medical supplies ay natagpuan sa storage room ng tindahan.
Naaresto naman sa operasyon ang assiatant manager, cashier at kanilang salesladies. Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 7581 o Price Act of the Philippines.
Wala naman sa tindihan ang may-ari na si Rudy Miranda nang ikasa ang operasyon ngunit masasampahan pa rin ito ng kaso.
Samantala, sa ikalawang operasyon, sinalakay din ng NBI ang Professional Skin Care Formula by Dr. Alvin in Taytay, Rizal dahil sa overpricing ng Isopropyl alcohol.
Ikinasa ang operasyon matapos mkabili ang poseur customer ng dalawang gallons ng alcohol sa halagang P750. Mas mataas ito kumpara sa itinakdang preso ng Department of Trade and Industry (DTI).
Nakuha sa tindahan ang walong gallons ng 70% Isopropyl alcohol.
Sasampahan din ng kaso ang may-ari na si Lyndy Marollano ng Cainta, Rizal at staff nito na ai Annabelle Tirados Mendoza.
Tiniyak naman ng NBI na patuloy nilang poprotektahan ang publiko mula sa mga mapagsamantala lalo na sa panahon ng krisis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.