Bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, umakyat na sa 307 – DOH
Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 77 ang nadagdag na bagong kaso ng nakakahawang sakit.
Dahil dito, umabot na sa 307 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas hanggang 4:00, Sabado ng hapon (March 21).
Samantala, nasa 19 na aniya ang bilang ng nasawi bunsod ng virus.
Mayroon naman aniyang limang pasyente na naka-recover sa virus. Apat aniya rito ay may edad na.
Muling nagpaalala si Vergeire sa publiko na manatili sa bahay para makatulong sa pagsugpo ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.