outbrain

Kenny Rogers, pumanaw na sa edad na 81

By Angellic Jordan March 21, 2020 - 05:06 PM SHARE(S):

Pumanaw na ang American pop-country music icon na si Kenny Rogers.

Inanunsiyo ng pamilya Rogers ang pagpanaw ng singer sa edad na 81.

Ayon sa pamilya nito, pumanaw ang singer sa kanilang bahay dakong 10:25 ng gabi.

“Rogers passed away peacefully at home from natural causes under the care of hospice and surrounded by his family,” batay sa tweet ng pamilya gamit ang account nito.

Maliit na private service lamang ang planong idaos ng pamilya para kay Kenny bunsod ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Nakilala si Rogers sa kaniyang hit songs na “The Gambler,” “Lady,” “Islands in The Stream,” “Lucille,” “She Believes in Me,” at “Through the Years.”

TAGS: Kenny Rogers, Kenny Rogers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.