Special session para sa dagdag COVID-19 budget tuloy sa Lunes

Alas-10 ng umaga sa darating na Lunes, Marso 23, isasagawa ang special session ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Ito ang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III matapos makipagpulong sa ilang miyembro ng gabinete sa pamumuno ni Executive Sec. Salvador Medialdea.

Nasa pulong din si House Speaker Alan Peter Cayetano.

Paglilinaw ni Sotto, hindi supplemental budget para sa COVID-19 ang tatalakayin sa special session kundi para bigyan kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na dumiskarte para pondohan ang mga hakbang ng gobyerno kontra COVID-19.

Aniya, ang anumang halaga ng pondo na mapapagkasunduan sa gaganaping sesyon ay para din sa pagkain at pantulong sa mga apektado.

Samantala, sinabi ni Sen. Christopher Go na kasama sa pulong, ipinanukala din ng Malakanyang na bigyan awtoridad si Pangulong Duterte na pondohan na rin maging ang mga programa para sa pagbangon at rehabilitasyon ng sambayanan.

Read more...