Ilang street dwellers, sinagip sa Maynila

By Angellic Jordan March 21, 2020 - 04:07 PM

Sinagip ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, sa tulong ng Manila Department of Social Welfare, ang ilang street dweller sa lungsod sa gitna ng banta ng COVID-19.

Ayon sa Manila Public Information Office, pansamantalang nanunuluyan ang mga na-rescue na street dweller sa Delpan Covered Court.

Araw ng Biyernes, March 20, nag-inspeksyon sa lugar sina Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan at MDSW Director Re Fugoso.

Mayroong mga itinalagang modular tent, sariling palikuran at paliguan. May inihanda ring hygiene kit at face masks.

Sa ngayon, aabot sa 145 ang nananatiling evacuees sa Delpan Covered Court.

22 sa nasabing bilang ay residente ng Maynila, 72 ang nakatira sa ibang lungsod at 51 naman ang walang permanenteng tirahan.

TAGS: COVID-19, Delpan Covered Court, enhanced community quarantine, street dwellers, COVID-19, Delpan Covered Court, enhanced community quarantine, street dwellers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.