PNP, tiniyak na walang magiging delay sa checkpoints sa pagpasok ng mga suplay

By Angellic Jordan March 21, 2020 - 04:49 PM

Siniguro ng Philippine National Police (PNP) na hindi magkakaroon ng pagkaantala sa pagdaan ng mga suplay sa mga itinalagang checkpoint.

Sa “Laging Handa” press briefing, sinabi ni Brig. Gen. Bernand Banac, tagapagsalit ng PNP, na hindi maaabala ang pag-deliver ng suplay sa mga lugar na nakasailalim sa enhanced community quarantine.

Ani Banac, nabigyan ng proper guidance ang mga naka-deploy na pulis sa checkpoints.

Kailangan lamang aniyang ipakita ng drivers sa checkpoints ang kanilang ID, signage sa sasakyan, at delivery invoices at receipts.

TAGS: Brig. Gen. Bernand Banac, checkpoints, enhanced community quarantine, PNP, Brig. Gen. Bernand Banac, checkpoints, enhanced community quarantine, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.