Sa datos ng pamahalaang lokal ng Navotas, nasa 96 ang kabuuang bilang ng nahuli.
Naitala ang nasabing bilang mula March 20 hanggang 6:00, Sabado ng umaga (March 21).
Sa bilang, 66 adults anila ang nakakulong at sasampahan ng kaso.
Muli namang nagpaalala si Mayor Toby Tiangco na manatili na lamang sa bahay para maging ligtas mula sa panganib.
Ipinatutupad ang home quarantine sa Navotas City kasunod ng deklarasyon ng enhanced community quarantine bunsod ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).
MOST READ
LATEST STORIES