outbrain

Freelance production talent sa GMA Network, nag-positibo sa COVID-19

By Angellic Jordan March 21, 2020 - 02:38 PM SHARE(S):

Kinumpirma ng GMA Network na isa nilang freelance production talent ang nag-positibo sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng TV station na naka-confine na ang talent para magamot.

Huling pumunta ang talent sa Annex Building ng GMA Network noong February 28.

Tiniyak ng TV station na napagbigay-alam ang insidente sa lahat ng empleyado at talent na nagkaroon ng direct contact sa pasyente, maging ang second level contacts.

Nagsagawa na rin anila ng disinfection batay sa protocols ng Department of Health (DOH) sa mga lugar na napuntahan ng talent.

Siniguro naman ng GMA Network na gumagawa sila ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng empleyado at talent.

“GMA Network reiterates its earlier call for everyone to remain calm and cautious, and to follow the official advisories released by the authorities. Rest assured that GMA will stay committed to delivering the much needed news and information to the public especially during these times,” dagdag ng TV station.

TAGS: COVID-19 positive, freelance production talent, gma network, COVID-19 positive, freelance production talent, gma network

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.