Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, kasama sa pagsisimula ng ballot printing ang dry run ng aktwal na proseso. Gagamitin ng Comelec ang tatlong Canon printers sa NPO sa pag-iimprenta ng mga balota.
Nakalaan aniya ang mga balota para sa mga registered voters sa bansa na aabot sa mahigit 50 million at isang milyon na overseas absentee voters.
Target ng Comelec na matapos ang pag-iimprenta ng mga balota sa April 25. Makikita sa harapan bahagi ng balota ang pangalan ng mga kandidato para sa pagka-presidente, bise presidente, senador at partylist groups habang sa likod na bahagi ay ang pangalan naman ng mga kandidato sa local positions katulad ng mayor, governor at councilor.