Pitong doktor sa Quezon City, positibo sa COVID-19

Nag-positibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 ang pitong doktor na pawang nasa line of duty sa Quezon City.

Ayon kay Dr Rolly Cruz, hepe ng Epidemiology and Surveilance Disease Department sa Quezon City, umakyat na sa 44 ang pasyente na positibo sa COVID-19 sa lungsod.

Habang nasa lima na ang gumaling at dalawa ang namatay mula sa Barangay Matandang Balara at Barangay del Monte.

Ang mga nadagdag sa bilang ay nagmula sa Barangays Tatalon, Masagana, Bungad at Ramon Magsaysay.

Nagpapatuloy naman ang pamamahagi ng siyudad ng mga food pack para sa mga nawalan ng hanapbuhay.

Tiniyak ni Mayor Joy Belmonte na aabot sa 500,000 pamilya o kabuuang isang milyong katao ang bibigyan ng food packs ng QC local goverment.

Read more...